top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Imee nag-hearing para sa AKAP ayuda; Universal Pension for Seniors dinedma pa rin

2/4/25, 9:28 AM

Tumawag na ng hearing noong Lunes (Peb. 3) ang komite ni Sen. Imee Marcos para pag-usapan ang ayuda sa mga mamamayang maliit ang kita.

Ngunit patuloy nitong hindi binigyan ng pansin ang ayuda sa mga nakakatandang Pilipino na wala nang kinikita.

Dahil dito lalo pang naglalaho ang pangarap ng milyon-milyong senior citizens na mabiyayaan ng buwanang PHP500 sa ilalim ng panukalang Universal Social Pension Program (USP) na ipinasa na ng Mababang Kapulungan noong Mayo 21, 2024.

Ayon sa sources sa Senado maliit ang pag-asang aksyunan pa ni Marcos ang USP na nakabinbin sa pinamumunuan niyang Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.

Noong Lunes (Peb. 3) pinamunuan ni Marcos ang joint hearing ng kanyang komite at ng Senate Committee on Finance upang magsagawa ng legislative inquiry tungkol sa panukalang alituntunin para sa pagpapamudmod ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Sa nasabing pagdinig, ibinunyag ni Commission on Elections Chairman George Garcia na nais humihingi ng pahintulot ang Department of Social Welfare and Development na magpamahagi ng PHP12 bilyon AKAP cash aid sa panahon ng kampanyahan sa halalan.

Hindi napag-usapan ang pagkonsidera ng mga USP para sa mga senior citizens.

Ang hindi pagtalakay ng USP ay indikasyon na hindi ito priority ng komite ni Sen. Marcos, ayon sa source.

Ipinaliwanag ng source na lumiit na ang pag-asa na maipasa pa ang USP sapagkat sa Pebrero 7 na ang adjournment ng Kongreso para sa halalan..

“Sa Pebrero 4 ang huling araw ng session at naghahanda na ang mga tatakbo sa Mayo upang mangampanya,” paliwanag ng isang abogado na senior staff ng isang senador na suportado sa bill.

Bagamat nagpakita ng matinding suporta sa pagpasa ng USP bill ang milyon-milyong senior citizens, hindii pa rin nagpatinag si Sen. Marcos na hindi pa nagpapatawag ng hearing para sa panukalang batas na inihain noon pang magsimula ang 19th Congress.

Kamakailan lamang, nag-martsa ang limang libong nakatatandang Pilipino sa Senado upang makiusap sa nakatatandang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-patawag na ito ng hearing.

Hinarap naman ng senadora ang mga kinatawan ng mga senior citizens sa pangunguna ni United Seniors Partylist Rep. Mila Aquino-Magsaysay, ngunit hindi nagbitaw ng pangakong aaksyunan niya ang USP bill.

Bagamat nangako ng suporta si Senate President Francis Escudero, ang kanyang pangakong pabibilisin ang pag-apruba ng bill ay kinonsidera ng maraming senior leaders na pabalat bunga lamang.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page