top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Iloilo fire: Lolang nagluluksa sa pagyao ng asawa nasawi

Photo from v9bangla.com/india

8/4/25, 6:00 AM

ILOILO CITY - Sinindihang kandila para sa mister na yumao noong isang linggo ang naging sanhi ng sunog sa Iloilo City na ikinasawi ng 75-biyuda.

Na-trap sa ikalawang palapag ng kanyang tahanan ang lola na nagtirik ng kandila para ipagdasal noong umaga ng Sabado (Agosto 2) ang namatay na asawa.

Ayon sa Bureau of Fire Protection isang 65-anyos na senior citizen at dalawa pang kapitbahay ng nasawi ang nagtamo ng paso.

Ang senior citizen na lamang na nagtamo ng malubhang paso ang ginagamot pa sa kasalukuyan sa Western Visayas Medical Center.

Dalawa bahay sa Barangay Oñate, Mandurriao District ang napinsala, kasama ang tahanan ng pumanaw na septuagenarian.

Ayon kay Iloilo City Fire Marshall Supt. Melanie Habawel, nagsimula ang sunog bandang 8:55 am noong Sabado.

Natagpuan ang bangkay ng senior citizen sa ilalim ng bumagsak na cabinet. Hindi naiulat kung pagkaipit sa cabinet o sunog ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page