top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Ibinulgar: Consensual sex ng mga batang staff at seniors sa elderly care homes

2/25/26, 5:20 AM

SALT LAKE CITY, Utah - Malaking eskandalo ang ibinunga ng report na may mga hindi lisensiyado at batang mga caregiver ang nakikipagtalik sa mga senior citizens na residente ng ilang long-term care homes.

Bagamat may umamin nang 18-anyos na high school student sa mga naranasan niya, walang magawa ang mga awtoridad upang usigin ang mga gumagawa nito sa Utah.

Ayon sa mga opisyal walang batas sa estado ang nagbabawal ng consensual sex sa pagitan ng mga residente sa mga ganitong pasilidad at mga empleyado.

Nangangamba ang mga opisyal na marami pang magaganap na ganitong pang-aabuso kung hindi magkakaroon ng batas laban sa ganitong malaswang pangyayari.

Sa pahayag ng 18-anyos na nagta-trabaho bilang caregiver sa isang care home, inamin nito na marami na siyang nakatalik sa kanyang mga inaalagaan.

Hinihikayat din niya ang ilang kaibigan na subukan ang kanyang naranasan sapagkat kwalipikado naman sila bilang unlicensed caregivers.

Ayon naman sa Fox 13, may isang nursing assistant na babae na nakikipag-sex sa matandang lalaki upang kumita.

Ang 22-anyos na nursing assistant ay nagpapahayag umano ng pag-ibig sa lolo na nahulog ang loob dito. Lingid sa matanda ginagatasan laman siya ng babae na mayroon na palang ka-live in.

Dahil hindi nga labag sa batas ang consensual sex sa mga retirement homes, malayang kinakwartahan ng babae ang senior citizen.

Inalok na magdemanda ang lalaki ng financial exploitation ngunit tinaggihan niya ito sapagkat naniwala umano siya na in-love din sa kanya ang bata.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page