top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Ibababa sa 75 edad ng benepisaryo ng PhP10,000 cash gift sa Bacolod City

Photo from radyo pilipinas

7/28/25, 8:31 AM

Ni Raselle Joyce Sabado

Plano ng konseho ng Bacolod City na palawigin ang senior citizens cash incentive program ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbaba ng edad ng benepisaryo 75 mula sa kasalukuyang 80.

Sa panukalang amyenda sa City Ordinance No. 910 o ang “Ladderized Incentive Centenarian Award Ordinance of Bacolod City”, itinutulak nina Konsehal Caesar Distrito at Celia Flor na madagdagan ang mga makikinabang sa ayudang ipinamimigay ng pamahalaan simula noong 2019.

Upang maisakatuparan ito, dapat doblehin na ang PhP10 milyon taunang budget para sa programa.

“This amendment reflects our commitment to recognize and support our senior citizens earlier in their twilight years, especially given the increasing challenges they face,” paliwanag ni Distrito.

Dagdag niya: “It’s about inclusivity and dignity.”

Sa ilalim ng panukala, ang mga senior citizens na magdiriwang ng kanilang milestone birthdays sa edad na 75 hanggang 80; 81 hanggang 90 at 91 hanggang 99 ay makatatanggap ng PhP10,000 mula sa pamalahalaan ng Bacolod City.

Ang mga nakatatandang aabot naman sa 100 anyos ay makatatanggap ng karagdagang insentibo.

Sakaling mamatay ang benepisaryo bago matanggap ang tulong pinansiyal, maaari ibigay sa miyembro ng pamilya o sa guardian ng senior citizen.

Mayroon din ganitong programa ang pamahalaan nasyonal sa pagsasakatuparan ng Expanded Centenarian Law. Ngunit sa probisyon ng batas na ito, ang makatatanggap lamang ng PhP10,000 cash incentive ay mga seniors na nagdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90 at 95 birthday.
PhP100,000 naman ang matatanggap ng mga lolo at lolang magdiriwang ng ika-100 kaarawan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page