top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Higit 4,000 senior citizens sa Cebu nanganganib ma-forfeit ang PhP3,000 financial assistance

Photo from calabarzon.da.gov.ph

6/11/25, 8:25 AM

Ni Samatha Faith Flores

Mahigit sa 4,000 senior citizens mula sa Cebu City ang nanganganib na mawalan ng tsansang makuha ang second quarter financial assistance nila mula sa lokal na pamahalaan.

Ito ay napag-alaman matapos na iulat ng city government na binibigyan ng palugit hanggang Hunyo 20 upang kunin ng mga ito ang kani-kanilang tulong pinansyal.

Ang mga nasabing senior citizens ay hindi pa nagpapakita sa Office of the Senior Citizens Affairs ng Cebu City upang kubrahin ang kanilang pera simula ng maihanda ang kinakailangan budget simula pa noong unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay OSCA Executive Director Chito Aragon napagalaman nila na 95 porsiyento ng mga naka-rehistrong seniors ay hindi pa nagpakita upang kunin ang kanilang pera sa araw ng Hunyo 10 , ang huling araw ng barangay-to-barangay distribution.

Sa datos ng local government unit, aabot sa 94,099 na kwalipikadong nakatatanda Filipino ang makatatanggap ng financial aid. Ang numero as tumaas ng 1,101 mula sa nakaraang quarter.

Bagamat nagkaroon ng pagtaas ng dami ng benepisaryo, 4,000 pang mga senior citizens ang hindi kumukubra ng tulong pinansyal.

Nagbabala si Aragon na sakaling hindi pa makubra ng mga ito ang PhP3,000 na financial assistance hanggang Hunyo 20, ibabalik na sa kaban ng siyudad ang sobrang pera.

Ang PhP3,000 na financial assistance ay sumasakop sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page