top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Hawaii surfer, 61, naputulan ng paa at kritikal matapos atakihin ng pating

Photo from Honolulu KHNL

11/3/24, 8:16 AM

WAILUKU, Hawaii - Isang surfer na senior citizen ang naputulan ng paa matapos na atakihin ng isang pating malapit sa Awiehu Beach Park noong Biyernes (November 1).

Ayon sa pulisya ng Maui ang 61-anyos na lalaki ay nagsu-surfing nang lusubin ng isang pating at kagatin sa kanan paa.

Agad nakaresponde ang mga pulis at sinubukan ampatin sa pamamagitan ng tourniquet ang pagdurugo mula sa bahaging nakagat.

Bagamat tinatayang maililigtas ang buhay ng biktima, naputulan naman siya ng paa dahil sa tindi ng pagkakagat ng pating, ayon sa Maui County police.

Ayon sa mga imbestigator hindi napansin ng surfer ang pagdating ng malaking pating kung kayat nagpatuloy siya sa pag-surf.

Dahil sa pangyayari ipinasara agad ng mga awtoridad ang beach park at binalaan ang mga tao na huwag lumangoy ng isang milya sa lahat ng direksyon mula sa pinangyarihan ng insidente.

Nagsagawa rin ng agaran at patuloy na pagpatrulya ang mga ocean safety officers upang hanapin ang mga pating at maitaboy ito sa lugar na pinaglalanguyan ng mga tao.

ikalawang pangyayari ng shark attack ito sa Hawaii sa taong 2024.

Noon Hunyo, namatay ang sikat na surfer Tamayo Perry nang lusubin ito ng pating sa mgay Oahu North Shore.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page