top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Ginang natupad ang pangarap na makapag-college sa edad na 83

PHOTO CAPTION: Yonhap News Agency

2/28/24, 8:50 AM

Ni MJ Blancaflor

Nitong Martes, Pebrero 27, isa ang 83-anyos na si Kim Jeong-ja sa mga nagmartsa bilang tanda ng pagtatapos ng hayskul sa Ilsung Women's Middle and High School sa Seoul.

Bukas ang nasabing paaralan sa mga estudyanteng 40-taong-gulang pataas na nagnanais makapag-aral sa kabila ng kanilang edad.

Si Kim ang pinakamatandang graduate ng batch na iyon, ayon sa ulat ng The Korea Herald.

Dahil sa pagpupursigi ni Kim na mapaunlad ang kanyang sarili, hinangaan siya ng marami at inalok ng scholarship grant upang makapagkolehiyo nang libre.

Nakatakda siyang kumuha ng social welfare degree sa Sookmyung Women's University sa Seoul, kung saan din nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang apo.

"I will keep on learning as much as my health allows," sabi ni Kim sa The Korea Herald. "I'm sure I'll forget a lot of what I've learned, because of my age, but I will try my best attending (the school)."

Ipinanganak si Kim noong 1941.

Kwento niya, hindi siya nakapag-aral nang siya ay bata pa dahil sa kahirapan at panliliit sa mga kababaihan ng mga panahong iyon.

Pangarap daw niyang makapag-aral ng English language para maituro ito sa kanyang mga apo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page