top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Fossilized vomit na tinatayang 66 milyon-taong-gulang natuklasan sa Denmark

Photo courtesy of Sten Lennart Jakobsen / Geomuseum Faxe

2/3/25, 4:12 AM

Natuklasan kamakailan sa Denmark ang isang bihirang piraso ng fossilized vomit na tinatayang nabuo 66 milyong taon na ang nakalilipas.

Batay sa isang news release ng Museum of East Zealand, na iniulat ng NBC News, natagpuan ng lokal na fossil hunter na si Peter Bennicke ang mga fragment ng sea lily na nakabaon sa chalk habang naglalakad sa Cliffs of Stevns, isang UNESCO-listed site sa timog ng Copenhagen.

Opisyal itong tinawag na Danekræ DK-1295.

Dinala ni Peter ang mga fragment sa museo para suriin at natukoy ng mga eksperto na ang fossilized vomit ay mula pa sa huling bahagi ng Cretaceous period, may 66 milyong taon na ang nakalipas.

Ayon sa mga eksperto, binubuo ang fragment ng hindi bababa sa dalawang iba't ibang uri ng sea lily na maaaring kinain ng isang isda bago ito isinuka matapos hindi matunaw ang ilang bahagi.

Tinatawag din nila ang mga ito na regurgitalite o fossilized na pagsusuka.

Malaking tulong umano ang mga ito sa pagtuklas ng food chain milyun-milyong taon na ang nakalipas.

“Sea lilies are not a particularly nutritious diet, as they consist mainly of calcareous plates held together by a few soft parts,” ani paleontologist Jesper Milan.

“But here is an animal, probably some kind of fish, that 66 million years ago ate sea lilies that lived at the bottom of the Cretaceous sea and regurgitated the skeletal parts.”

Maaaring makita ang fossilized vomit sa isang espesyal na eksibisyon sa Geomuseum Faxe sa Denmark.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page