top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Doc Willie Ong pormal nang umurong sa senatorial race

Photo from www.philstar.com

2/21/25, 12:12 PM

Pormal nang umurong sa pagtakbo bilang senador ang sikakat na doktor and medical health vlogger Willie Ong na nakikipaglaban ngayon sa sakit na sarcoma cancer.

Isinumite ni Dr. Liza Ong, asawa ni Doc Willie, nitong Biyernes (Peb 21) ang statement of withdrawal na pinirmahan ni Willie.

Nagsadya si Dr. Liza sa Commission on Elections sa Intramuros, Manila upang dalhin ang nasabing dokumento.

Sa kanyang Facebook post noong Peb. 13, inanunsyo ni ONg na hindi na siya magtutuloy ng kandidatura bilang senador upang mapangalagan ang kanyang pagpapagamot.

Ang cancer-stricken doctor ay nagpapagamot pa umano sa Singapore kung saan nakitaan siya ng senyales na gumagaling noong Oktubre, 2024.

Bagamat aayaw na sa pagka-Senador, siniguro ni Doc Willie na itutuloy ang pakikipaglaban para sa “good governance and the candidates who espouse the same ideal as mine.”

Ayon kay Dr. Liza, ang pagnanais na makumpleto ang cancer treatment ang nag-udyok sa kanyang asawa na umurong.

Sinabi ni Dr. Liza na nakumpleto na ng kanyang asawa ang chemotherapy session at sisimulan na siyang sumailalim sa immunotherapy.

“Kaya nag-withdraw si Doc Willie kasi may ilan pa siyang mga session. Gusto niya kasi , hindi ma-short change ang sambayanan,” paliwanag ni misis sa media.

Tinanong rin ng mga reporter kung malaki na ang nagastos ni Doc Willie para sa kampayan.

Ip;inaliwanag ni Dr. Liza na hindi naman naglalabas ng malaking pera si Willi para sa pangngampayan.

“Kahit po no”ng nakaraang dalawang takbo ni Doc Willie, talagang halos di po kami gumagastos. Hindi rin po kami tumatanggap ng campaign funds,” paliwanag niya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page