BALITANG SENIOR
Dinobleng allowance ng mga senior citizen pina-release na sa Maynila
%20(1).jpeg)
Si Manila mayor Dra. 'Honey' Lacuna-Pangan. (Larawan mula sa Arab Times)
3/11/25, 4:53 AM
Ni Tracy Cabrera
MANILA CITY HALL, Lungsod ng Maynila — Maaari nang makuha ng mga senior citizen ang dinoble nilang allowance na nagkakahalaga ng ₱3,000 para sa unang quarter ng taon sa isasagawang payout sa kani-kanilang barangay simula kahapon, Marso 10, inanunsyo Manila mayor Dra. Maria Sheilah 'Honey' Lacuna-Pangan.
Aabot sa 200,000 mga senior citizen sa lungsod ang majajatanggap ng kanilang Dobleng buwanang allowance.
Tiniyak ni Lacuna na hindi na mahihirapan ang mga nakakatanda sa pag-claim dahil is inaayos na ang proseso upang maging mabilis at hassle-free.
"We matched the ₱1,000 monthly rate of the DSWD indigent seniors' pension," pinagmalaki ng alkalde.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, nilagdaan ni Lacuna ang ordinansang nagtakda ng dobleng monthly allowance ng mga senior citizens mula sa ₱500 sa ₱1,000 para tapatan ang P1,000 buwang pension na pinagkajaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indigent senior citizen.
"All these allowances are the beneficiaries' share of the taxes collected and revenues generated by the city," nilinaw nito.
Bukod sa mga allowance para sa mga nakakatanda, pinanahagi din ng alkalde ang mga nakatakdang benepisyo para sa 2,217 estudyante ng Universidad De Manila (UDM) sa ilalim ng Social Amelioration Program ng kanyang administrasyon.
