top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Dementia, pagiging senior citizen hindi hadlang upang bitayin ang 67-anyos na killer

7/10/25, 7:01 AM

SALT LAKE CITY, Utah - Nanatiling hindi hadlang ang demensya o pagiging ulyanin at katandaan upang ituloy sa Setyembre 5 ang death sentence by firing squad ng isang 67-anyos na lalaki.



Si Ralph Leroy Menzies ay nahatulan ng kamatayan matapos mapatunayang nagkasala ng pagdukot at pagpatay kay Maurine Hunsaker, ina ng tatlong menor de edad, noong 1986.



Ilan taon matapos mahatulan ng bitay noong 1988, pinili ni Menzies ang firing squad bilang paraan ng kanyang kamatayan.



Sa isang kalalabas lamang na desisyon, nagpasya si Judge Matthew Bates na pirmahan na ang death warrant matapos na masiguro ng hukom na malinaw at naiintindihan ni Menzies ang dahilan kung bakit siya bibitayin.



Kinailangan pa ng pagpasya ni Judge Bates matapos na hilingin ng mga abogado ni Menzies na muling siguruhin kung maayos ang pagiisip ng kanilang kliyente na nagkaroon na umano ng dementia.



Gayunpaman, tumawag ang hukom ng isa pang hearing sa Hulyo 30 upang alaming muli kung nasa tamang pagiisip ang murder convict.



Ikinatuwa ni Lindsey Layer, abogado ni Menzies, ang desisyon ni Bates na nagbibigay ng isa na namang pag-asa upang hindi matuloy ang pagbitay sa kaniya kliyente sa Set. 5.



“Taking the life of someone with a terminal illness who is no longer a threat to anyone and whose mind mind and identity have been overtaken by dementia serves neither justice nor human decency,” ayon kay Layer.



Ayon naman kay Asst. Attorney General Daniel Boyer malaki kumpiyansa silang mapagbabayaran ni Menzies ang kanyang ginawang krimen sa darating na Setyembre.



Ngunit para naman kay Matt Hunsaker, isa sa mga anak ng biktima, mahirap tanggapin na matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa kanilang ina, hindi pa rin nakakamit ng kanilang pamilya ang hustisya.



Si Matt ay isa sa mga menor de edad na inulila ni Maurine noong 1986.



“We’ve now introduced another generation of my mom, and we don’t still don’t have justice served,” pagdidiin ni Matt nang humarap sa korte.



Noong 2019, nagpasya ang Korte Suprema ng US na hindi na ituloy ang pagbitay sa isang lalaki mula sa Alabama dahil siya ay wala nang matandaan sa krimen. Pinatay nito ang isang pulis.



Ayon sa korte kung hindi na maunawaan ng isang nagkasala kung bakit kikitilin ang kanyang buhay ng estado, hindi na rin magkakaroon ng saysay ang paghihiganti na nais ng lipunan sa kanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page