top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Cocoy Laurel, 72, sumunod na kay Ate Guy, ka-love team at kaibigan

Photo from www.pep.ph

6/16/25, 9:51 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Matapos ang higit sa kalahating siglo, muling nagpakita sa publiko ang aktor-singer na si Cocoy Laurel, ngunit iyon na rin ang huling pagkakataon na makikita siya ng kanyang mga fans.

Pumanaw na sa edad 72 si Victor D. Laurel, kilala bilang ka-love team ng namayapa na ring si National Artist Nora Aunor noong Dekada 70s, ito ang inanunsyo ng kanyang pamilya nitong Lunes (Hunyo 16).

Naging madamdamin ang tagpo nang muling nagpakita sa publiko si Cocoy upang dalawin ang mga labi ni Ate Guy na naging matalik niyang kaibigan matapos ang higit na limang dekadang pumaimbabaw ang kanilang popular ng love team.

Bagamat hirap nang maglakad at inaalalayan habang nakasaklay, nagpunta si Cocoy sa lamay ni Ate Guy noong Abril. Maraming napaluha ng kinantahan niya ang mga labi ng kanyang close friend.

Naging hit sa mga fans noong 1970’s ang dalawa na nagbida sa mga pelikulang romantic musicals na “Lollipops and Roses”, “Impossible Dream” at “Lollipops and Roses at Burong Talangka.”

Isa rin mahusay na painter si Cocoy na maraming ipinadalang magagandang mga paintings kay Nora.

Anak ng yumao nang si dating Vice President Salvador “Doy” Laurel at Celia Diaz-Laurel, isang kilalang stage actress, si Cocoy hinangaan sa kanyang husay kumanta.

Siya ay tiyuhin ng artistang si Denise Laure at nakatatandang kapatid ni Iwi Laurel, na sumikat bilang singer noong Dekada 1980s.

Sa social media post ng pamilya Laurel, sinabi nila na pumanaw si Cocoy noong Hunyo 14.

“It is with deep affection and grateful faith that we entrust our dear brother, Victor, into the hands of our almnighty Lord God, Creator and Savior,” pahayag ng pamilya.

Ayon sa mga kaanak, si Cocoy ay relihiyoso at nag-alay sa Diyos ng ng kanyang galing husay sa “music at artistry.”

“He worshipped God and praised him through his music and artistry, and blessed others so generously,” sinabi ng mga Laurel.

Dagdag ng pamilya: “Rest in peace, beloved brother, mentor, maestro and friend. We are incredibly grateful for you. Thank you for all you’ve done for us. You will always have a special place in our hearts.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page