BALITANG SENIOR
Centenarian na kahera sa Home Depot, ibinahagi ang sikreto sa mahabang buhay
.png)
Photo courtesy of Home Depot via TODAY.com
2/12/25, 11:26 AM
Sa edad na 100, patuloy pa ring nagmamaneho si JoCleta Wilson papunta sa kanyang trabaho bilang kahera sa Home Depot sa Louisville, Kentucky.
Siya ang pinakamatandang empleyado ng kumpanya sa U.S. at nagtatrabaho dalawang beses sa isang linggo upang makihalubilo sa mga tao.
Dating dancer at business owner si Wilson, at sa kabila ng kanyang edad, pinili niya ang aktibong pamumuhay at positibong pananaw — mga bagay na aniya’y sikreto ng kanyang mahabang buhay.
"I retired three different times — 10 years each time in retirement, and it is not what it’s cracked up to be. I got so tired of myself," kwento ni Wilson sa news website na TODAY.com.
"I had to get out of the house and come back to work and see what was going on in society," dagdag niya.
Si Wilson ay isang breast cancer survivor at may emphysema at pacemaker, ngunit nananatiling malakas at masigla.
Noong nakaraang Oktubre, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-100 kaarawan sa isang party na inorganisa ng kanyang mga katrabaho.
Nabubuhay siyang mag-isa, nagluluto ng sariling pagkain, at regular na sumasayaw bilang ehersisyo. Subalit pinipili niyang magpalinis na lang ng kanyang bahay at bakuran.
"I could do it, but I don’t want to. By getting this old, I got a little smart, too," paliwanag niya.
Patuloy pa rin daw siyang sumasayaw dahil ito ang kanyang hilig.
Para sa kanya, ang pagsasayaw ay hindi lamang ehersisyo kundi isang paraan upang manatiling masaya.
"I feel like 39 having to go into 40 years old. It’s that kind of step," dagdag ni Wilson.
Ano ang sikreto niya sa mahabang buhay? Para kay Wilson, mahalaga ang manatiling aktibo at tamang nutrisyon.
Iniwasan niya ang asukal at hindi malulusog na pagkain.
Tumigil na rin daw siya siya sa pagkain ng bacon at cheese matapos ma-diagnose ng mataas na cholesterol.
Nakatuon daw ang kanyang diet sa lean protein tulad ng manok, isda, at steak.
"I eat well. I don’t eat out a lot. I do my own cooking and enjoy it," ani Wilson.
Ngunit pinapayagan ang sarili na tikman ang paborito niyang tsokolate at ice cream paminsan-minsan.
Higit sa lahat, naniniwala siya na ang pag-iwas sa galit at negatibong emosyon ang susi sa mas mahabang buhay.
"I always say, don’t sweat the small stuff. Don’t worry. Don’t let everything make you angry. Anger takes a lot of muscle and a lot of good out of your life," dagdag niya.
"It’s so much easier to think positive than to think negative. It takes a lot less effort. And that’s what I try to do." #
