BALITANG SENIOR
Caregiver huli sa nanny camera na minamaltrato ang 93-anyos na lola, life imprisonment posible
.jpg)
Photo from ddcountermeasures.com
4/22/24, 9:01 AM
Una dito hiniling na tanggalin agad sa trabaho si Dontia Shawnra Arrington na caregiver sa isang assisted living facility sa Genesee County kung saan pasyente ang biktima na dumaranas ng “severe dementia.”
Kitang kita sa CCTV footage kung paano sinaktan ni Arrington ang senior citizen noong Abril 4.
Sa panayam sa media, sinabi ni Genesee County Sheriff Chris Swanson na si Arrington ay kinasuhan ng vulnerable adult abuse na may parusang 15 pagkakakulong.
Dinemanda rin ang elderly nanny ng torture with the intent to cause cruel or extreme physical or mental pain and suffering. Maaaring makulong siya ng habambuhay na pagkakakulong sakaling matagpuang nagkasala sa kasong ito.
Bukod dito, sampung taong pagkakakulong naman ang maaaring maging parusa ni Arrington sa kasong assault with intent to cause great bodily harm less than murder or by strangulation.
Huling-huli sa nanny camera na sadyang inilagay ng mga kaanak ng biktima sa kanyang kwarto ang umano’y pag-atake ng caregiver sa kanyang alaga.
Nangyari ito nang aksidenteng matumba ang biktima. Nagalit si Arrington at bigla na lang nitong pinaghahampas ng maduming diaper ang walang kalaban-laban na lola.
Hindi pa nakuntento, gigil na gigil na sinakal ni Arrington ang biktima na ayon sa mga imbestigador ay maaring ikamatay ng pasyente.
“You see the vulnerability of the victim and the fact that she’s getting hit with a 2-to-3 pound soiled diaper,” sinabi ni Swanson.
“But if that isn’t enough, when she brought her hand across her throat in a chokehold, that can kill people, especially a 93-year-old.”
Ayon kay Genesee County Prosecutor David Leyton naawa siya sa matanda at nakaramdam siya ng matinding galit sa mga pangyayari.
Ayon sa anak ng biktima, naglagay sila ng nanny camera sa kwarto niya nang mapansin nilang madalang nagkakaroon ng mga sugat at pamamaga sa kanyang mga braso simula Disyembre, 2023.
Nang tanungin nila ang mga namamahala ng nursing home, ipinaliwanag ng mga ito na ang lola na mismo ang hindi sadyang nakakadisgrasya ng kanyang mga braso.
Ngunit hindi naniwala ang anak ng biktima kung kayat naisipan niyang magtago ng CCTV camera sa kwarto ng biktima.
Hindi lamang ang pananakit sa kanyang ina ang nasaksihan ng CCTV. Ayon sa kanya bukong-buko rin ang ginagawang pagnanakaw ng mga gamit ng kanyang nonagenarian na nanay.
