BALITANG SENIOR
Buhay at senior citizen na nang matagpuan ang inang nawala noong 2001

2/24/26, 7:28 AM
NORTH CAROLINA - Natagpuan at isa nang senior citizen ang inang misteryosong bigla nawala sa Martinsville, Virginia noong 2001.
Sa pahayag ng Rockingham County Sheriff’s Office, si i Michelle Hundley Smith, 62, ay natagpuan sa isang lugar sa North Carolina na may higit na 300 milya ang layo sa lugar ng kanyang pamilya sa Virginia.
Hindi na nagbigay ng ibang detalye ang mga pulis ukol sa kinaroroonan ni Smith na hinihinalang may iba nang pamilya.
Wala umanong panganib at mabuti ang kalagayan ng senior citizen na bigla na lang naglaho sa kanilang lugar noong 38 anyos pa lamang ito.
Huling nakita ng pamilya si Smith sa kanilang tahanan sa Eden, Virginia noong Disyembre 9, 2001.
Nagpaalam ito sa kanyang asawa na pupunta lamang sa Kmart sa Martisnsville para mamili ng mga pamasko. Hindi na siya nagpakita pang muli sa kanyang pamilya.
Nagkaroon ng malawakang paghahanap sa kanya at ang insidente na naging laman ng balita at maraming ispekulasyon, kasama na ang pangambang siya ay nakidnap.
“Over the years, the case drew the attention and collaboration of multiple agencies across North Carolina and Virginia, including the North Carolina State, Bureau of Investigation, Drug Enforcement Administration and the Federal Bureau of Investigation, “ ayon sa press statement ng pulisya.
Natunton ang kinaroroon ng ginanng ng makatanggap ang sheriff’s office ng bagong impormasyon sa impormante.
Sa kanyang Facebook page, nagpahayag ng tuwa si Amanda Smith, anak ni Michelle at tinanggap na ang bagong buhay niya ang pinili ng ina.
“For now that is enough. I can’t really think straight right now to make a heartfelt post but again…” pahayag ni Amanda.
Aminado si Amanda na naghinala ang kanyang ama na sumama sa iba ang asawa at tuluyan nang iniwan sila.
