top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Bong Go: Geriatric health care and research center para sa seniors kailangan na

tribune.net.ph

7/18/25, 3:45 PM

Ni Ralph Cedric Rosario

Iminungkahi ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtatayo ng isang geriatric health care and research center sa bansa upang matutukan ang kalusugan ng lumalaking populasyon ng nakatatanda sa bansa.

Isinumite ni Go sa Senado ang Senate bill No. 411 o ang Senior Citizens” Hospital Act of 2025 upang maipatayo ang Philippine Senior Citizens Hospital and Research Institute (PSCHRI).

Ang iminungkahing geriatric institute ay isang tertiary specialty hospital na maipasasailalim ng Department of Health. Ito ang magsisilbing pangunahing medical institution para sa geriatric health care at research.

Ipinaliwanag ni Go na lumulubha na ang pangangailangan sa bansa ng specialized care para sa mga nakatatandang Filipino.

Ayon sa senador nagiging realidad na tumatanda na ang populasyon ng bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority nasa 12 milyon ang mga Pilipinong tinatawag na senior citizens o mga indibidwal na 60 anyos o higit pa.

Sa darating na 2030, lolobo na sa higit 14 milyon ang mga senior citizens sa bansa.

“Mahalagang pangalagaan ang buhay ng ating mga lolo at lola. Pumapaloob sa kultura ng Pilipino ang pag-aaruga sa mga nakatatanda, higit ang mga hikahos at may karamdaman na,” paliwanag ni Go.

Idiniin ni Go: “Elderly individuals often suffer chronic illnesses due to their advanced age. Their conditions often manifest in functional decline and cognitive impariments which require long-term care, rehabilitation and palliative services.”

Nauna rito, itinulak ni Sen. Panfilo Lacson ang pagsasabatas ng bill na magpapataw ng hindi hihigit sa sampung taon na pagkakakulong ang mga anak na aabandona o tatanggihan ang pag-alaga sa mga nangangailangang mga magulang na matanda na.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page