top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Bilyonaryang senior citizen na nasa death row ng Vietnam lulusot sa bitay

Photo from www.ccn.com

6/26/25, 7:03 AM

Maililigtas sa parusang bitay ang bilyonaryang senior citizen na napatunayang nagkasala $12 bilyon kasong embezzlement sa bansa ng Vietnam

Ito ay matapos na ipasa ng National Assembly, ang legislative body ng bansa, ang panukalang batas na magtatanggal na ng death penalty bilang isa sa mga parusa na itinatadhana ng Criminal Code laban sa mga napatunayang nagkasala ng walong capital crimes.

Si Truong My Lan, isang 68 anyos na property tycoon, ay napatunayan ng korte na nagkasala ng embezzlement o paglustay ng $12 bilyon sa pamamagitan ng malawakang panloloko noong isang taon.

Ang krimen ay nagtataglay ng maximum na parusang kamatayan.

Si Lan ay tagapangulo ng Van Thinh Phat Holdings Group nang siya ay kasuhan at kalaunan ay napatunayang guilty sa salang embezzlement.

Nitong nakaraang linggo, nagdesisyon ang National Assembly na ratipikahin ang amendment ng Criminal Code ng Vietnam upang tuluyan nang buwagin ang death penalty para sa walong krimen.

Bukod sa embezzlement ang mga krimen na hindi na papatawan ng parusang bigay ay vandalizing state property, manufacturing fake medicine, jeopardizing peace, triggering invasive wars, espionage at drug possession, ayon sa Vietnam News Agency.

Dahil sa naipasang pag-amyenda sa batas, ang mga nasentensyahan ng kamatayan ngunit hindi pa binibitay sa darating na Hulyo 1 ay nahaharap na lamang sa parusang life imprisonment.

Sampung krimen ang nananatiling magtatakda ng parusang kamatayan bilang capital offenses. Ang mga ito ay drug trafficking, murder, treason, terrorism at sexual abuse of children

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga abogado at kapamilya ni Lan na kasalukuyang nakakulong sa maximum security prison ng Vietnam.

Lethal injection ang paraan ng pagbigay sa Vietnam simula noong itigil na ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad noong 2011.


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page