top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Bangkay ng nawawalang mag-asawang senior citizens natagpuan sa dike sa Nueva Ecija

3/11/26, 8:15 PM

Ni Joyce Sabado

CABANATUAN CITY - Bangkay na ng matagpuan ang mag-asawang senior citizens na limang araw nang nawawala mula sa kanilang lugar sa Gen. Natividad, Nueva Ecija.

Ito ang inireport ng mga police investigators na nagsabing ang mag-asawang sina Romeo Delos Trinos, 65 at Mely Delos Trinos, 60 ay matagal nang patay nang matagpuan ang kanilang bangkay sa isang dike sa Barangay Cabu, Cabanatuan City nitong Miyerkules (Marso 11).

Ang katawan ng mag-asawa ay nasa advance state of decomposition at parehong nakasilid sa sako.

Natagpuan ng mga residente ng barangay ang mga bangkay matapos na magreklamo ang ilan sa umalingasaw na mabahong amoy mula sa irrigation canal.

Sa kanyang pahayag sa pulisya, sinabi ng caretaker ng bahay ng mga biktima na huli niyang nakita ang mag-asawa noong Marso 6.

Ayon sa testigo nagpaalam ang mga Delos Trinos na pupunta sila sa munisipyo ng Dilasag. Sumakay ang dalawa sa isang kolong-kolong o tricycle.

Ngunit hindi na bumalik pa ang mag-asawa at hindi na rin makontak sa kanilang mga telepono matapos na umalis.

Natagpuan na rin ang kolong-kolong na sinakyan ng mga biktima. Wala na itong plaka at side mirrors.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima na wala silang maisip na motibosa likod ng karumal-dumal na krimen.

Samantala, nanawagan ng hustisya si Rome, anak ng mga biktima na nasa Saudi Arabia. Umapela ito sa kung sino man may kinalaman sa pagpatay na makipagtulungan sa pulisya.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations ang mga imbestigador. Inaalam nila ang naging ruta ng kolong-kolong at kung sino ang nakitang kasamang sakay ng mga biktima.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page