BALITANG SENIOR
Babaeng senior citizen patay sa pamamaril sa Pangasinan

4/23/25, 8:41 AM
Ni Samantha Faith Flores
CALASIAO, Pangasinan Patay ang isang babaeng senior citizen matapos na barilin sa loob ng kanyang tindahan sa Malasiqui, Pangasinan nitong Martes (Abril 22), ayon sa inilabas na ulat ng Philippine National Police.
Hindi pa pinapangalanan ng pulisya ang 63 anyos na biktima na namatay sa isang tama ng bala sa kanyang bunganga.
Ayon sa mga imbestigador, nagbabantay ng tindahan sa Barangay Nancapian, ang biktima at ang kanyang pamangkin na babae nang may dumating na isang lalaki na may suot na helmet.
Nagkunwari umanong bumili ng snacks ang suspek upang makuha ang atensyon ng senior citizen.
Nang ilabas ng babae ang kanyang ulo sa maliit na bintana ng kanila, bigla na laman siya pinaputukan sa bibig ng gunman.
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa caliber .45 pistol.
Malaki ang pag-asang nakuhanan ng ng CCTV ang pangyayari ngunit maaaring hindi makilala ang gunman sapakat may suot itong helmet nang maganap ang krimen.
