top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Babaeng senior citizen patay matapos ang inuman sa Bataan

8/22/25, 11:35 AM

Ni Rassel Joyce Sabado

Isang babaeng senior citizen ang bigla na lamang namatay ilang oras matapos makipag-inuman sa kaibigang lalaki sa Hermosa, Bataan noong Huwebes (Agosto 21).

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagpunta umano ang 62-anyos na biktima sa bahay ng kaibigan lalaki bandang alas 8 ng gabi upang makipag-inuman. Agad naman ito pinaunlakan ng lalaking nakatira sa Barangay Sacrifice Valley.

Matapos ang inuman, natulog na silang dalawa.

Ngunit bandang alas-2 ng umaga, napansin ng lalaki na tila kinu-kumbulsyon ang babae.

Dahil dito agad siyang nag-report sa pamahalaang barangay ng Sacrifice Valley at tinulungan siyang isugod ang babae sa ospital

Ang biktima ay itinakbo sa Jose C Payumo Memorial Hospital kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Ipinadala ang Scene of the Crime Operations (SOCO) sa bahay ng lalaki upang imbestigahan ang nangyari.

Hindi pa alam kung ano ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ng senior citizen.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page