top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Away ng dalawang septuagenarian nauwi sa saksakan, isa patay

6/14/25, 12:27 PM

Calauag, Quezon - Isang 73-anyos na lolo ang namatay matapos saksakin ng kanyang kapitbahay na isa ring septuagenarian sa Purok 5, Barangay Kapaluhan, nitong Araw ng Kalayaan (June 12).

Kinilala ang biktima sa kanyang pangalan na si Francis.

Ang salarin, kinilalang si Leo, ay 78 anyos. Agad siyang nadakip ng mga awtoridad matapos ang krimen.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng sagutan ang dalawa nang makita ng suspect ang kapitbahay na naglalagay ng wire sa bakod na kahoy.

Galit na pinatigil ni Leo ang kapwa septuagenarian sa kanyang ginagawa ngunit nagpakita rin ng galit ang biktima at nagkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo.

Dahil sa matinding galit, naglabas umano si Leo ng isang 19-pulgadang gulok at itinaga ito sa kapitbahay niya.

Hindi na nakatakbo ang biktima at agad nabawian ng buhay sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Agad naman dumating ang mga taga-barangay at dinakip si Leo. Ang suspek ay dinala sa pulisya kung saan siya naghihintay na makasuhan ng homicide dahil sa pagpatay.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page