top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Awa naging mailap sa senior citizen na binitay dahil sa pagpatay ng mag-asawa

2/14/25, 9:55 AM

Ni Samantha Faith Flores

MIAMI, Florida - Naging mailap ang awa para sa isang Amerikanong senior citizen na binitay nitong Huwebes (Peb. 13) dahil sa malupit na pagpatay sa batang mag-asawa sa harapan ng kanilang musmos na anak noong 1997.

Si James Dennis Ford, 64, ay namatay dahil sa lethal injection sa Florida State Prison eksaktong 6:19 pm (oras sa US). Siya ang kauna-unahang death row inmate na binnitay sa Florida at ang ika-apat sa buong Amerika ngayon 2025.

Dalawang dekada na hinintay ni Ford ang pagsalang sa kanya sa death chamber simula noong patayin niya sina Gregory at Kimberly Malnory noong Abril 6, 1997.

Ang mag-asawang Malnory ay parehong nasa mid-20’s nang paslangin sila ni Ford sa harap ng anak nilang si Maranda, wala pang 2 taon gulang noon.

Ayon sa korte, kinumbida ni Ford si Gregory na kasama niya sa trabaho at ang asawa nito para sa isang fishing trip sa South Florida Sod Farm, Punta Gorda nang araw na patayin sila. Isinama ng mag-asawa si Maranda.

Naniniwala ang pulisya na unang binaril ni Ford si Gregory sa likod , bago nito paghahabalusin ng matigas na bagay ang kanyang ulo. Ginilitan din ni Ford ang leeg ng biktima.



Bagamat nasugatan nang atakihin siya ni Ford, nagawa pang iligtas ni Kimberly si Maranda nang itali niya ang musmos sa likod ng trak nilang mag-asawa.

Nang binalikan ni Ford ang mag-ina, ginahasa niya si Kimberly bago ito patayin sa bugbog at pagbaril.

Natagpuan ang mga katawan ng mag-asawa kinabukasan. Nakita rin ang dehydrated nang si Maranda na tadtad ng pantal sa katawan at naliligo sa dugo ng ina.

Ayon kay Ford, iniwan niya ang pamilya na buhay at tumuloy siyang mangisda. Nag-hunting umano ang mag-asawa nang maghhiwalay sila.

Ngunit may mga testigo na nagsabing nakita nila si Ford na may mga bakas ng dugo sa mukha, mga kamay at damit. Marami rin itong mga galos sa katawan.

Ayon sa mga prosecutors ang DNA ni Ford at ang baril nito ay nai-ugnay sa crime scene.

“I hope he burns in hell,” pahayag ni Connie Ankney, ina ni Gregory matapos malaman na patay na si Ford.

Nanood ng pagbigay si Deindre Parkinson, stepmother ni Kimberley.

“We have justice and relief now, even though it was a ery peaceful death for him,” sabi niya.

Bago mamatay, isinulat ni Ford ang kanyang huling pahayag: “Hugs, Prayers Love!!! God Bless everyone!!!!”

Para sa kanyang pinaka-huling pagkain, si Ford ay hinainan ng steak, macaroni and cheese, fried okra, sweet potato, pumpkin pie at sweet tea. Tatlong kapamilya nito ang personal na nakipagkita para sa kanyang pamamaalam.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page