top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Automatic fare discount Beep cards ng estudyante, seniors at PWD ilalabas se Setyembre

8/13/25, 5:22 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Maglalabas na ng special Beep cards na may automatic 50% diskwento sa pamasahe para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at estudyante sa darating na buwan.

Ito ay inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon matapos na personal na matunghayan ang mahahabang pila ng mga benepisaryo ng discounted fares sa mga istasyon ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit sa kanyang isinagawang inspeksyon noong Lunes.

Nalungkot si Dizon sa nasaksihan at nangamba ito na dahil sa kagustuhang makatipid, maraming estudyante, seniors at PWD ang naaantala sa kanilang mga pupuntahan.

Ang mahahabang pila ay nagdaragdag din ng pagsisikip sa mga istasyon ng tren.

Sa panayam ng media, ipinahayag ni Dizon na ang 50 porsiyentong diskwento ay ikinasa na sa programa ng mga special Beep cards na ilalabas na sa Setyembre.

“Kung ikaw ay isang estudyante, pumunta lamang sa kahit anong istasyon simula sa Setyembre at ipakita lamang ang iyong ID. Doon din ay bibigyan ka ng Beep Card sa bawat MRt3, LRT1 o LRT 2 ,” paliwanag ng Cabinet official.

Ang discounted Beep cards para sa estudyante ay maaaring ma-renew o reactivate kada isang taon.

“Meaning, after one year,, it won’t work anymore. So you have to come back and you have to show your studetn ID again for the next year so you can get another student beep card while you’re still a student,” sinabi ni Dizon.

Hindi naman kailangan i-renew o reactivate pa ang mga Beep cards ng nakatatanda at mga PWD.

Ayon kay Dizon ang mga senior citizens at PWD ay pinapayuhang magprisenta rin ng kanilang ID upang makakuha ng special Beep cards.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page