top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Apat na indibidwal sinaktan, pinagnakawan ang 77-anyos na lola; tinutugis na ng kapulisan

6/20/25, 10:50 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Patuloy na pinag-hahanap ng mga pulisya ang mga kalalakihan na umanoy nanakit at pinagnakawan ng aabot sa PhP100,00 halaga ng alahas at pera ang isang 77-anyos na lola sa Tondo, Manila.

Nangyari ang krimen noong Linggo ng umaga nang pauwi na ang biktima na kinilala sa alias Lola Mirasol sa kanyang bahay matapos mamalengke.

Nakuhanan pa ng CCTV ang eksenang nang isang lalaking nakasuot ng sumbrero ang nakitang humahabol sa lola. Kasunod ng umanoy salarin ang isang babaeng nakaputing t-shirt.

Ayon kay Lola Mirasol nakipag-kaibigan sa kanya ang dalawa na nagpakilalang magkapatid.

Sinabi ng biktima na bagong baba lamang sa barko ang lalaki at nakiusap na samahan siya maghanap ng bahay na bibilhin. Nagkunwa rin ang lalaki na ipakikilala ang lola sa kanyang bagong asawa.

Nang tila makuha na ng dalawa ang kumpiyansa ng matandang babae, nagsabi sila na kailangan sumama ito sakanila.

Isinakay umano ang lola sa isang kotse kasabay ng paglulan din ng lalaking driver at isang babae na umanoy asawa ng lalaking nakasobrero.

Dito na nagpupumiglas ang matanda at nagsisigaw nang bantaan na papatayin siya.

“Papatayin ka namin,” ang saad umano ng lalaki sa kuwento ni Lola Mirasol.

Dito nagmakaawa ang lola subalit sa halip na pababain, sinuntok siya sa mukha at binti. Kasabay nito ay kinuha ang kaniyang dalang pera at nilimas ang mga suot na alahas na nagkakahalaga ng PhP100,000.

Ibinaba ang nanginginig na si Lola Mirasol sa bandang Baseco compound. Bago iwanan, binigyan siya ng PhP200 para may pamasahe pauwi sa kanila.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page