BALITANG SENIOR
American Idol music supervisor at asawang kompositor, kapwa 70, pinaslang sa Los Angeles

Photo from www.nydailynews.com
7/16/25, 9:43 AM
Patay ang “American Idol” music supervisor at kanyang asawang kompositor, parehong 70 anyos, nang pagbabarilinsa kanilang tahanan sa Los Angeles City, California, ayon sa ulat ng LA police nitong Miyerkules (Hulyo 16).
Natagpuan ang mga labi ng mag-asawa nang magkaroon ng welfare check para sa kanila dahil sa hindi nila pagtugon sa mga tawag sa telepono. Hinihinalang may lima hanggang anim na araw nang patay ang mga biktima.
Sina Robin Kaye at Thomas Deluca ay parehong kasapi ng music industry sa Hollywood. Si Robin ay music supervisor ng American Idol.
Agad dinakip ang 22-anyos na si Raymond Boodarian sa kanyang tahanan, ayon kay LA Police Department.
Inakyat umano ni Boodarian ang bakod ng mag-asawa at nasa loob ito ng tahanan ng mga biktima nang pagbabarilin ang mga ito.
Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ang LAPD ng dalawang tawag na nagre-report ng posibleng nakawan sa tahanan ng mga Deluca. Ayon sa mga tumawag may nakita silang lalaki na tumalon sa bakod ng tahanan ng mga biktima.
` Hindi umano nakapasok sa bakuran ang mga rumespondeng pulis dahil sa “highly fortified” ito. Kailangan pa nilang akyatin ang 8 talampakan bakod na may mga pako sa piinakataas.
Gumamit na lamang ng helicopter ang pulisya upang silipin ang loob ng bahay ngunit hindi ito nakitaan ng ebidensya ng nakawaan.
Ngunit nang silipin na ang surveillance footage ng CCTV sa tahanan ng mga biktima, dito na nakita si Boodarian na umakyat sa bakod at pumasok sa pinto na tila hindi naka-lock.
Dumating ang mag-asawa sa kanilang tahanan 30 minutes matapos na makapasok ang suspect. Dito na sila pinagpbabaril ng lalaki.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pagpaslang. Hindi naman naniniwala ang pulisya na magkakilala ang suspek at mga biktima.
