BALITANG SENIOR
ABP party-list nominee patay sa ambush
%20(11).jpeg)
Mabilis na rumesponde ang mga scene-of-the-crime operative (SOCO) ng Manila Police District kasunod ng ulat sa pananambang kay dating barangay chairman Leninsky Bacud. (Larawan mula sa GMA Network)
4/29/25, 4:15 AM
SAMPALOC, Maynila — Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pagkakapatay sa isang party-list nominee na tinambangan sa barangay sa Sampaloc, Maynila kahapon bago mag-alas-6:00 ng gabi.
Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga salarin si Leninsky Bacud, na isa sa mga nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list group.
Sa inisyal ba ulat, binabagtas ni Bacud ang kahabaan ng P. Guevara Street sa Barangay 435 sa Zone 44 nang bigla siyang pagbabarilin sa ilang na bahagi ng nasabing kalsada.
Naisugod pa sa ospital ang dating punong barangay subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa kanyang mga sugat na tinamo.
Ayon pa sa mga ulat, may nakaengkuwentro rin umanong pulis na residente sa lugar ang mga salarin at ilang sasakyan ang tinamaan ng bala.
Samantala, mariing kinondena ni ABP first nominee Dr. Jose Antonio 'Ka Pep' Goitia ang pagpaslang kay Bacud na isa umanong pagyurak sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng karahasan.
