BALITANG SENIOR
90-anyos ligtas sa Hamas kidnappers matapos banggitin si football superstar Lionel Messi

PHOTO CAPTION: Photo courtesy of RepublicWorld
3/10/24, 5:10 AM
Isang 90-anyos na lola ang napaulat na nakaligtas mula sa pag-atake ng Hamas militant group matapos banggitin ang pangalan ni football superstar Lionel Messi.
Sa ulat ng Spanish media outlet na Marca, isinalaysay ni Ester Cunio ang naranasan niya matapos umatake ang militanteng grupo sa kanyang tahanan sa bayan ng Nir Oz sa Israel noong Oktubre 7, 2023.
Kwento ni Cunio, itinanong sa kanya ng mga kidnapper kung nasaan ang kanyang pamilya.
Ipinaliwanag naman niyang hindi siya masyadong nakauunawa ng Arab o Hebrew language dahil ipinanganak siya sa Argentina.
"I told him that I speak in Argentine, in Spanish," ani Cunio. "I didn't understand his language. The Arab language, and I speak poor Hebrew."
"I speak Argentinean Spanish, so he asks what Argentina is. Then I tell him, 'Do you watch football?' He said he liked it and I told him I am from Messi's country," pagsasalaysay pa ng lola.
Ikinagulat daw ng isang kidnapper ang pagbanggit niya sa pangalan ni Messi.
"He was surprised and told me he loves Messi. He put his arm on my shoulder, gave me his gun. He made me do the peace sign," sabi pa ni Cunio.
Nagpakuha pa raw ito ng litrato.
Pero kahit nakaligtas si Cunio, kinuha pa rin daw ng mga kidnapper ang kanyang mga apo.
Humihingi ngayon ng tulong ang lola sa kampo ni Messi para makauwi na ang kanyang mga apo.
"If he [Lionel] knows that I mentioned him and was saved, now I would ask for my grandchildren who are locked up there," sabi ni Cunio.
Wala pang komento ang kampo ng football superstar ukol dito.
Kinikilala ng FIFA si Messi bilang isa sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng football sa buong mundo.
Siya ngayon ang kapitan ng Major League Soccer club Inter Miami at ng Argentina national team.
Ipinanganak siya sa bayan ng Rosario, Santa Fe sa Argentina noong Hunyo 24, 1987.
