top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

88-anyos Russian inventor nahagip ng blade ng inimbentong helicopter, patay

Photo from The Times of India

8/2/25, 8:13 AM

Namatay ang isang 88-anyos na Ruso matapos na mahagip ng mga blade ng sinasakyang homemade helicopter na siya mismo ang gumawa.

Kinilala ng Russian news agency na RIA Novosti ang biktima bilang si Vladimir Trapeznikov, isang masigasig na imbentor sa kanilang lugar sa Omutnisky District, Kirov Region.

Ayon sa inilathalang news release nitong Biyernes (Agosto 1), bago nadisgrasya, gumawa ng ingay ang senior citizen sa kanilang lugar hinangaan ito sa paggawa ng sarili niyang sasakyang pang-himpapawid.

Noong Huwebes, sinakyan ni Trapeznikov ang ginawang chopper ngunit ang aircraft ay nag ‘self-destruct’ ng kusa habang kasalukuyang nagta-take-off.

Ayon sa Volga Region Transport Prosecutor’s Office, hindi nakayanan ng chopper na umakyat matapos paandarin ang mga makina nito.

Bagamat napagana ang makina at habang lumalakas ang pag-andar nito, bigla na lamang humiwalay ang mga main rotor blades.

Tumama ang isang blade sa piloto na naging sanhi ng malalang mga sugat na kanyang ikinamatay, ayon sa RIA Novosti.

Naitakbo pa sa Omutnisky District Hospital ang biktima ngunit pumanaw din ito dahil sa mga sugat na tinamo.

Kinilala ang biktima bilang isang taong mahilig gumawa ng imbensyon. Matagal na niyang pangarap maging piloto kung kaya nagtangka siyang gumawa ng sariling helicopter.

Nakagawa na siya ng homemade airplane na naging tampok sa isang maikling pelikula noong 1985.

May lima na siyang nagawang sasakyang himpapawid bago siya mamatay.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page