top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

85-anyos na lolo, dinukot, pinatay sa kaso ng mistaken identity sa Australia

Photo from 7news.com.au

2/25/26, 10:17 AM

BRISBANE, Australia - Isang 85-anyos na lolo ang na-kidnap habang natutulog sa bahay at kalaunan ay pinaslang bagamat pinaghihinalaang siya ay napagkamalan lamang bilang target ng krimen.

Ang masayahin at matulungin na si Chris Baghasarian ay natutulog mag-isa sa maliit niyang bahay sa Syney ng puwersahing isama ng dalawang armadong lalaki noong umaga ng Peb. 13.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na mistaken identity ang nangyari.

“I suspect that the intended target waas going to be kidnapped, where a ransom for money was going to be asked," ayon ka Detective Acting Superintendent Andrew Marks.

Si Baghasarian ay mahirap lamang at isa nang biyudo.

Dalawang lalaki ang agad dinampot bilang persons of interest matapos na matagpuan ang bangkay ng matanda.

Dahil sa kanilang kutob nanawagan ang mga pulis sa New South Wales na pakawalan na siya ng mga kidnappers.

Sa halip, isang video ang ipinadala kung saan isang matandang lalaki na nakagapos ang nakita sa isang abandonado at sira-sirang bahay sa Dural, sa labas lamang ng Sydney.

Wala na ang lolo nang matunton ng mga pulis ang kanyang kinaroroonan.

Nitong Martes (Peb. 24) natagpuan sa malapit sa isang golf course sa Sydney ang wala nang buhay na katawan ni Baghasarian.

Itinuring ng pamilya na isang bangungot ang nangyari kay Baghasarian. Hiniling nila ang agarang hustisya para sa kanila lolo.

Magkahiwalay na police raid ang isinagawa upang madakip ang dalawa sa tatlong suspek sa krimen.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page