BALITANG SENIOR
81-anyos death convict namatay nang malaman ang takdang araw ng bitay

2/24/25, 9:34 AM
Namatay ang isang 81-anyos na lalaki sa death row ng Louisiana State Penitentiary matapos na ibaba ng korte ang iskedyul ng pagbitay sa kanya.
Hindi na maisasalang sa death chamber sa darating nga Marso 17 si Christopher Sepulvado na nasentensyahan ng pagbitay dahil sa pagpaslang nito sa 6-taong gulang stepson noong 1992.
Brutal na pinatay ni Sepulvado ang biktima na kanyang binugbog at binuhusan ng kumukulong tubig.
Noong Peb. 11, naglabas ang korte ng death warrant sa kanya at itinakda sa Marso 17 ang kanyang pagbigay sa gas chamber.
Kung hindi siya namatay, ang octogenarian sana ang kauna-unahang kriminal sa estado na ibibitay sa pamamagitan ng nitrogen gas sa loob ng 15 taon.
Sa halip ang 46-anyos na si Jessie Hoffman ang hahalili sa gas chamber at magiging kauna-unahang mabigay sa pamamagitan ng sapilitang paglanghap ng nakalalasong nitrogen.
Haharapin ni Hoffman ang kamatayan sa Marso 18 dahil sa pagpaslang niya kay Mary “Molly “ Elliot noong 1996.
Hindi ikinatuwa ni Louisiana Attorney General LIz Murrill na namatay si Sepulvado sa natural na paraan. Ayon sa kanya dapat sana ay maagang itinakda ang kanyang kamatayan sa death chamber.
Ayon sa pulisya si Sepulvado ay namatay sa pamamagitan ng natural causes na sanhi ng kumplikasyon mula sa “pre-existing medical conditions.”
Sa isang statement, sinabi ng abugado ni Sepulvado na si Shawn Nolan na napadali ang pagkamatay ng kanyang kliyente dahil nabalisa ito sa magiging brutal na sasapitin sa death chamber.
“The idea that the state was planning to strap this tiny, frail, dying old man to a chair and force him to breathe toxic gas into the failing lungs is simply barbaric,” pahayag ni Nolan.
