BALITANG SENIOR
78-anyos na Lolo patay sa nasunog na binibisitang bahay sa Cebu City

1/30/25, 6:32 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Hindi nakaligtas ang isang 78-anyos na lolo nang masunog ang bahay ng dinalaw niyang pamangkin sa Cebu City noong Miyerkules (Enero 29).
Ang sunog nang katawan ni Zosimo Aspacio ay natagpuan ng mga arson investigators sa kuwarto na pansamantala niyang inokupahan sa Barangay Kalunasan, Cebu City.
Ang bahay na nasunog ay pag-aari ng pamangkin ni Aspacio na si Victor Emnace Jr..
Pabalik na sana si Aspacio sa kanyang tahanan sa Alegria, Cebu nang sumiklab ang apoy. Nagaayos na umano siya ng mga gamit noon.
Nagsimula ang apoy bandaing 2:30 am ng Miyerkules at naapula agad bandang 2:43 am.
Si Aspacio ay natulog sa kuwarto sa may bandang dulo ng bahay ni Emance. May kasama siya doon na mga nangungupahan at sa kabutihang palad ay nakatakas.
Bukod sa bahay ni Emnace, naapektuhan din ng apoy ang dalawa pang bahay. May 15 indibidwal ang nawalan ng matitirhan habang tinatayang aabot sa P170,000 kabuuan ng ari-arian na nasira.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
