top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

70-anyos napilitang tumira sa sasakyan dahil sa mahal na upa ng bahay

PHOTO CAPTION: Beth from Arizona/YouTube @bethcloudsandsky

2/1/25, 5:17 AM

Dahil sa patuloy na pagmahal ng upa ng bahay, isang 70-taong-gulang na babae sa Arizona ang napilitang manirahan sa kanyang Chevrolet Equinox.

Kinapos na sa pambayad ng renta ang senior citizen na nagngangalang Beth at aminado siyang hindi niya napaghandaan ang kanyang pagreretiro bilang public librarian noong 2019.

Halos dumoble aniya ang halaga ng upa noong Covid-19 pandemic kaya nagpalipat-lipat siya ng tirahan.

Sa kabila nito, hindi aniya sasapat ang kanyang ipon para tustusan ang araw-araw niyang pangangailangan — pagkain, kuryente, tubig at renta sa apartment.

"I floated along, living in one apartment after another," ani Beth sa isang YouTube video. "I was moving every year, and that was costly too because you have to pay security deposits, moving costs."

"I had to move from neighbourhoods that I felt comfortable in to locations where I didn’t to get lower rents. Even then, the rents were near $1000, and they weren’t very safe neighbourhoods," dagdag niya.

Nahirapan na siyang humanap ng titirhan at doon na niya naisip na i-convert ang kanyang Chevrolet Equinox upang maging tahanan.

Ibinabahagi ni Beth ang kanyang karanasan sa YouTube channel niyang @bethcloudsandsky, na ngayon ay mayroon ng higit 14,500 subscribers.

Sa isang video, ibinahagi niyang lumalala ang kanyang sipon dahil sa matinding lamig lalo pa't bumababa sa 5°C ang temperatura sa Arizona.

"I know there are others in my age group doing it. And I know that younger people are struggling in these times as well," dagdag niya.

"Everyone should be able to have a safe place to live, but maybe in these scary times that’s not something that can always happen," sabi pa ni Beth.

Gayunpaman, nananatili siyang matatag at positibo.

Ine-enjoy niya raw ngayon ang maliliit na bagay tulad ng stargazing. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page