BALITANG SENIOR
70-anyos na lolo pang-atleta ang pangangatawan, fitness routine

Photo courtesy of Weibo/Axingkmw via AsiaOne
3/3/24, 12:34 PM
Ni MJ Blancaflor
Viral sa social media ang mga larawan at video ng kaha-hangang physique ni Zou Heping ng Chongqing, China, kung saan flex na flex ang kanyang muscles at 8-pack abs na hindi pangkaraniwan sa kanyang edad.
"A 70-year-old ‘reverse growth’ fitness guru from Chongqing! He has long black hair, a body fat rate of 3%, and a body full of tendons," paglalarawan sa kanya sa isa sa mga viral video.
Ano nga ba ang sikreto ni Zou?
Sa kanyang panayam sa South China Morning Post, ibinahagi niyang masinsinan ang kanyang exercise routine at pagtakbo paakyat sa Gele Mountain na may taas na 678 meters.
May 2,500 steps ang bundok mula sa pinakababang bahagi nito hanggang summit.
"Life lies in running, and the most important thing is to exercise, preserve your fitness and develop a good lifestyle," sabi ni Zou.
Tambayan talaga ng fitness enthusiasts ang Gele Mountain dahil meron itong hiking trails at kagamitan sa pag-eehersisyo tulad ng weighted pull-ups.
Ayon sa ulat, nagsimula si Zou sa kanyang fitness journey noong 1979 matapos mabasa sa isang magasin ang kahalagahan ng pagtakbo sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.
Magmula noon, lagi nang nagja-jogging si Zou bago siya pumasok sa trabaho bandang 8 a.m.
Kabilang din sa kanyang routine tuwing umaga ang pagdadala ng timbang may lamang tubig, weighted pull-ups, pole climbing at handstands na aabot ng dalawang oras.
Iniiwasan din daw ni Zou ang alak at paninigarilyo at maaga siyang natutulog tuwing gabi.
