BALITANG SENIOR
69-anyos na lalaki tinaga ang asawa saka nagtangkang magpakamatay sa Davao del Norte

Photo from www.en.etemaaddaily.com
8/27/25, 10:12 AM
Tinaga sa ulo ng isang senior citizen ang kanyang misis atsaka nagtangkang magpakamatay ang salarin sa isang malagim na insidente sa San Isidro, Davaodel Norte, ayon sa ulat ng Philippine National Police nitong Miyerkules (Agosto 27).
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang pinagsimulan ng karahasan na nagresulta sa pagkamatay ng babae. Nasa seryosong kalagayan naman sa ospital ang asawa ng biktima, isang 69-anyos na lolo.
Ayon sa pulisya, naulonigan ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa noong Linggo nang bigla na lang magsisigaw ng saklolo ang babae.
Siya pala ay tinaga sa ulo ng asawa gamit ang isang itak.
Matapos ito ay nagsaksak sa sarili ang matandang lalaki at uminom ng pesticide.
Ngunit bago magtangkang magpakamatay sinunog muna ng suspek ang kanilang bahay.
Sinasabi sa ulat na patay na ang babaeng biktima na nagtamo ng malaking sugat sa kanyang ulo.
