top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

68-anyos doktor natagpuang patay at tadtad ng saksak sa abandonadong SUV sa QC

Photo from saksi fb page

4/24/25, 6:59 AM

Ni Samantha Faith Flores

Isang 68-anyos na doktor ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa isang SUV na natagpuang abandonado sa Quezon City.

Isang suspek ang agad inarest ng pulisya matapos na mahagip siya ng ng video recording ng dashcam sa loob ng sasakyan.

Hindi pa pinangalanan ng Quezon City police ang inarestong lalaki at ang biktima na maaaring isang eye specialist.

Natagpuan ang abandonadong sasakyan sa Mindanao Avenue Extension, sa Barangay Pasong Putik ilang araw na ang nakakaraan.

Isang security guard ang nakatagpo sa sasakyan at agad nitong ine-report sa pulisya.

Pagnanakaw ang malinaw na motibo sa krimen, ayon sa mga imbestigador sapagkat nawawala ang mobile phone, pitaka at pera ng senior citizen na doktor.

Gumamit umano ang suspek ng isang iris scissors na gamit ng mga ophthalmologist sa pag-opera ng mga maselan na bahagi ng mga mata.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, na-review ang dashcam footage na nagpakita ng isang lalaki papasok sa loob ng sasakyan bandang alas-10 ng gabi noong Biyernes Santo (Abril 18).

Agad inalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng lalaki na inaresto matapos ang follow-up operations.

Nakuha sa suspek ang ATM card at nail cutter ng pinaslang.

Agad sinampahan ng robbery with homicide ang suspek.

Mariing itinaggi ng lalaki ang paratang sa kanya. Pinabulaanan niya ang sinabi ng mga pulis na natagpuan sa kanya ang ATM card ng biktima.

Ayon sa kanya ang nail cutter ay pag-aari niya.

Ipinilit nito na maaaring kamukha lamang siya ng tunay na salarin.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page