BALITANG SENIOR
67th wedding anniversary ni Johnny at Christina: Perpektong pag-ibig nanaig sa hindi perpektong pagsasama

Photo from politiko.com.ph
9/19/24, 5:32 AM
Wala man perpektong kasal, pero meron naman perpektong pag-ibig.
Ito na yata ang pangungusap na magsasalarawan sa pagmamahalan nina centenarian Juan Ponce Enrile at asawang si Christina nang magdiwang ang dalawa ng ika-67 anibersaryo ng kanilang kasal noong Miyerkules (Setyembre 18).
Marami at matindi ang mga unos na sumubok ng pagsasama ng dalawang super senior citizens ngunit hindi nagpatinag ang mga ito at patuloy na nagsasama sa kanilang tahanan sa lugar ng mga mayayaman sa Makati City.
“It is mind blowing how two people can stay together for 50 years! But 67 years??? That’s another level. My parents marriage was not the perfect one,” pahayag ni Administrator Katrina Ponce Enrile ng Cagayan Economic Zone Authority sa social media post.
“Now let’s be real here for a moment. Whose marriage is ever perfect???” tanong ni Katrina.
Si Katrina, 64 ang bunso sa dalawang anak ng mag-asawang Enrile. Si Jack, 66, na dating kongresista ng Cagayan at 66 ang panganay.
Sa simpleng salu-salo na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak, kinunan ng video si Enrile, kasalukuyang presidential adviser for legal affairs, habang binabati si Christina, dating ambassador sa Vatican ng Pilipinas.
Tila nakalimutan na ni Enrile ang edad ng anak na Jack nang sabihin sa asawa na 67 na ito. Itinama ni Katrina ang sinabi ng ama.
“You have eight grandchildren and five great grand children - one girl and four boys,” pagmamalaking sinabi ni Enrile habang hinahalikan ang kamay ng esposa.
Tuwang-tuwang naman nagsabi si Christina rna “Wow, wow!”
Nag-post si Katrina ng masayang tagpong ito ng kanyang mga magulang.
“What I am celebrating today with my parents is a testament of a love so pure no matter the flaws… through thick and thin… in sickness and in health… through laughter and pain… and always forgiveness and fight for each other,” pahayag ni Katrina.
Para naman sa mga magulang, sinabi niya: “Happy 67th Dad and Mom. I love seeing you both together and still loving each other no matter what!!!!”
