BALITANG SENIOR
67-anyos senior citizen unang sinalang sa pagbalik ng firing squad sa US: Alamin ang detalye

3/8/25, 8:36 AM
Ni Samantha Faith Flores
Isang senior citizen ang kauna-unahang nilalang sa loob ng 15 taon na humarap sa kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Estados Unidos kung saan ipinagbabawal ang ganitong uri ng pagbitay sa maraming mga estado.
Sa gitna ng maingay na protesta sa labas ng bilangguan sa South Carolina, sinapit ni 67 anyos Brad Keith Sigmon ang malagim na pagkamatay nang tatlong bala ng riple ang sabay-sabay na dumurog sa kanyang puso nitong Biyernes (Marso 7).
Si Sigmon ay nahatulang mabitay dahil sa brutal na pagpatay sa mag-asawang sina Gladys at David Larke noong 2001, Ang mga biktima ay magulang ng kanyang dating kasintahan, si Rebecca Armstrong.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado, nagsabi si Sigmon ng huli niyang pahayag ilang segundo bago siya mamatay: “ I want my closing statement to be one of love and a calling to my fellow Christians to help end the death penalty.”
Dagdag niya: “We are now under God’s grace and mercy.”
Bagamat patuloy na naghihinagpis sa sabay na pagpaslang sa kanyang mga magulang, nagpa-unlak ng panayam si Armstrong.
Ayon sa ex-girlfriend ni Sigmon, sukdulang kalupitan man ang ginawa ng dating kasintahan sa kanyang pamilya, hindi pa rin siya sang-ayon sa anumang uri ng pagbitay sa mga nahatulan gumawa ng kasuklam-suklam na krimen.
Sa kanyang paglilitis dalawang dekada na ang nakararaan, sinabi ni Sigmon sa jurors na siya ang salarin.
“I have no excuse for what I did. It’s my fault and I’m not trying to blame nobody else for it, and I’m sorry,” pahayag niya.
Sa tatlong klaseng pagbigay - lethal injection, electrocution at firing squad - pinili ng matanda nang salarin ang huli na inaasahang mabilis na kikitil sa kanyang buhay.
Inilarawan ng mga nakasaksi na brutal ang pagpatay kay Sigmon na isinagawa sa kuwarto kung saan isiinasagawa rin ang death by electric chair.
Ang firing squad ay kinabibilangan ng tatlong volunteer staff ng preso volunteer staff ng South Carolina prison ay armado ng mga riple na mayroon live rounds.
Sila ay nakatayo sa likod ng isang pader na may butas para sa kanilang mga armas.
May 15 talampakan ang layo sa kanila ni Sigmon na nakaupo habang nakagapos sa isang metal na upuan. May talukbong din ang ulo ng bibitayin.
Sa damit ni Sigmon ay may inilagay na kulay puting target na may pulang bullseye na nakatapat sa kanyang puso.
Nang masiguro na maayos na ang proseso ng pagbitay at handa na ang firing squad, pinagsalita na ang kanyang abogado ng “last words’ ni Sigmon. Matapos ang statement, nagutos na ang warden na barilin na ang salarin.
Ayon sa ilang nakasaksi, lahat ng tatlong bala na tumagos sa katawan ni Sigmon ay pawang tumama sa kanyang puso.
Noong 2010 pa isinagawa sa Amerika ang pagbaril sa isang death convict bago sinapit ni Sigmon ang kanyang kamatayan.
Sa Utah, hinarap ni Ronnie Lee Gradner ang firing squad dahil sa pagpatay niya sa isang lalaking na kanyang pinagnakawan.
Maraming demonstrador ang nagpro-protesta sa labas ng South Carolina state prison sa Columbia. Tinututulan nila ang sentensiyang kamatayan.
Bago bitayin, binigyan si Sigmon ng nais niyang last meal na fried chicken, green beans, mashed potatoes with gravy, biscuits, cheesecake at sweet tea.
Humingi rin siya ng tatlong bucket ng Original Recipe Kentucky Fried Chicken sa mga kasamahang preso ngunit inayawan ito ng warden.
