BALITANG SENIOR
67-anyos na socmed influencer naimbitahan sa White House

Photo courtesy of Diane Shiffer
4/21/24, 7:32 AM
Ibinahagi ng content creator na si Diane Shiffer sa social media na ikinagulat niya ang imbitasyon sa kaniyang makapasok sa seat of power of United States.
"When I got the invitation, I was utterly shocked. I thought it was a scam," sabi ni Diane, na mayroon ng higit isang milyong followers sa Instagram at TikTok.
"I’m just this chubby, little old lady, living in my little old house, in a little town," dagdag niya.
Hindi na idinetalye sa ulat kung bakit siya naimbitahan at kung ano ang gagawin niya roon.
Ipinagpapasalamat ng content creator ang suportang natatanggap niya sa kanyang followers.
"I’m on the verge of tears when I talk about this, but they are so kind. The followers are so kind and so supportive," saad niya pa.
Bida sa content ni Diane ang kanyang vintage fashion, buhay, at mga anak.
Kabilang sa mga ibinabahagi niya ang kanyang homemade cinnamon buns at mga tali sa buhok.
Siya mismo ang nagsusulat, nagshu-shoot, at nag-eedit ng kanyang content.
