top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

67-anyos na lolo pinagtataga ng asawa sa gitna ng bangayan

1/31/25, 8:00 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

TACLOBAN CITY - Away mag-asawa ang naging ugat ng pagkamatay ng 67-anyos na magsasaka na pinagtataga ng kanyang sariling asawa sa Tacloban City.

Sumuko sa awtoridad ang 58-anyos na vendor na kinilala lamang sa pangalan na Zelda matapos ang madugong away nila ng asawang si Tino.

Nangyari ang insidente sa tahanan ng mag-asawa sa Barangay 98, Camansihay noong Huwebes (Enero 30), ayon sa report ng pulisya kahapon.

Sinabi ng mga kapitbahay ng mag-asawa na narinig nilang nagsisigawan ang dalawa bago nangyari ang patayan.

Dahil sa init ng ulo, kumuha umano si Tino ng 19-pulgadang itak at inundayan ng taga ang asawa. Hindi nito natamaan si Zelda.

Sa pagkakataong iyon, nagawa ni Zelda na agawin ang gulok ng asawa at ito ang ginamit sa pagtaga sa kanya ng ilang beses. Patay agad ang biktima.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng pag-aaway ng mag-asawa.

Si Zelda ay nahaharap sa reklamong parricide dahil sa pagpatay sa kanyang kabiyak.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page