top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

67-anyos magsasaka, pamangkin nagtagaan, parehong nasawi

8/25/25, 12:59 PM


Nagtagaan hanggang parehong mamatay ang isang lolo at ang kanyang pamangkin matapos na awatin ng matanda ang nagwawalang suspek sa Bais, Negros Oriental, ayon sa report ng pulisya kahapon (Agosto 25).

Sinabi ng mga imbestigador ng kaso na lumalabas na ang 47-anyos na salarin ay nanaga sa kanyang 65-anyos na tiyuhin nang tangkain siyang awatin ng senior citizen.

Dumadalaw lang ang biktima sa kanyang anak na lalaki sa bahay nito sa Sitio Kuli-Kuli, Barangay Mabunao, Bais nang natiyempuhan niyang nagwawala ang pamangkin na may hawak na itak.

Ayon sa mga saksi naghahamon ng away noon ang suspek kung kayat tinangkang awatin ito ng senior citizen.

Ngunit sa halip na tumigil, nagalit ang suspek sa kanyang tiyuhin at agad itong inundayan ng kanyang bolo. Bagamat sugatan, nakuha pa ng biktima na agawin ang sandata sa pamangkin at ginamit itong pansaksak sa suspek.

Nadeklarang dead on the spot ang bata. Naisugod naman sa ospital ang matanda ngunit patay na bago pa mang maipagamot.

Ayon sa ina ng suspek, may kakaiba ang ikinikilos ng kanyang anak ilang araw na ang nakakaraan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page