top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

62-anyos barangay secretary patay sa pamamaril sa Cebu

6/28/25, 10:10 AM

Patay ang isang babaeng senior citizen sa pamamaril na nangyari sa kanyang tahanan sa munisipyo ng Dumanjug, Cebu province.

Bangkay na ng matagpuan ng mga kaanak si Celsa Regidor Redondo, 62, pasado alas-4 ng madaling araw sa Barangay Tubod Dugoan, Dumanjug.

Sinabi ng pulisya na ang biktima na isang barangay secretary sa nasabing komunidad ay pinaniniwalaang binaril ng dalawang lalaki na pumasok sa kaniyang bahay.

Pinaniniwalaang pinasok ng mga salarin ang bahay ng biktima bandang alas 12 ng hatinggabi.

Pagnanakaw ang isa sa mga pinaniniwalaang motibo sa insidente.

Ngunit hindi pa sinasara ng mga imbestigador ang paniniwalang ito. Inaalam pa kung ano ang iba pang motibo at pakakakilanlan ng mga salarin.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page