top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

612,000 indigent seniors nganga sa social pension, alamin kung bakit?

Photo from contemporarynomad.com

10/25/24, 8:11 AM

Mali ang naging desisyon na unahin ng pamahalaan ang pagdagdag ng PHP500 social pension para sa mga indigent senior citizens.

Dahil dito umaabot na sa 612,000 na naghihikahos ding mga nakatatanda ang hindi nakatatanggap ng kahit kusing bagamat kwalipikado silang mga benepisaryo ng social pension program.

Ito ang opinyon ni United Seniors Partylist Rep. Mila. Aquino-Magsaysay na pangunahing may akda ng Universal Pension Program bill na nakabinbin pa sa Senado.

“Ang mali ay iyong increase ng indigent pension to PHP1K. Dapat inuna muna iyong sa waitlist na indigents din na hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang social pension,” paliwanag niya.

Tinanong ng Senior Times. PH si Rep. Mila. Aquino-Magsaysay ng kanyang opinyon sa naging desisyon ng pamahalaang Marcos at ng Kamara na ipako sa PHP49.8 bilyon ang budget para sa pagpapatupad ng social pension program sa 2025.

Kulang ang halagang ito sapagkat ganito rin ang badyet na nakalaan para sa implementasyon ng nasabing programa para sa taong 2024.

Kung si Mila. Aquino-Magsaysay ang masusunod, uunahin muna bigyan ng PHP500 ang lahat ng nakalista sa pension program bago bayaran ang karagdagang PHP500 kada buwan na inihabilin sa Republic Act No. 11916 o ang amended Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.

Ayon sa kongresista, patuloy niya ipinaglalaban ang pagsasabatas ng Universal Social Pension na magbibigay ng PHP500 sa lahat ng kulang-kulang 12-milyong senior citizens na Filipino.

Inamin ng Department of Budget and Management na kapos nga ang alokasyon sa taong kasalukuyan.

Ganito rin ang sinabi ng Department of Social Welfare and Development na nagpahayag din ng pangamba na aabot sa 612,000 ang mga indigent seniors na mapagkakaitan ng kanilang PHP1,000 buwanang pension.

Noong inaprubahan ang 2024 budget, nagsabi na ang DBM at DSWD na humigit kumulang sa 466,000 ang tag-hirap na nakatatanda ang mapupunta sa waiting list ng social pension program.

Ngunit habang lumalaon sa taon 2024, umaabot na sa 612,000 ang nakalista sa waiting list.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page