BALITANG SENIOR
50 taon matapos halayin ang kapatid na lalaki, 75-anyos ipinakulong ng korte
.jpg)
1/29/25, 8:57 AM
NOVA SCOTIA, Canada - Sa edad na 75, pinosasan at ipinakulong ang isang lalaki matapos na mapatunayang nagkasala sa pang-aabuso sa nakababatang kapatid na kanyang ginawa limang dekada nang nakalipas.
Hinatulan ni provincial court Judge Angela Caseley ng 3 1/2 taon pagkakakulong ang septuagenarian dahil sa kanyang pagkakasala sa binatilyong kapatid noong 1970’s. Ang lalaki ay 25 anyos na noong ginawa ang krimen.
“A child’s bedroom should be a safe and secure place. It should be a child’s refuge,” paliwanag ni Caseley matapos na na utusan nito ang deputy sheriffs ng Nova Scotia, Canada na ikulong na ang 75-anyos na lolo.
Hindi na pinangalanan ang nasabing salarin dahil hindi magiging makatarungan sa biktima na siya ay makilala ng publiko.
Ayon sa dokumento ng korte, hinahalay ng lalaki ang kanyang kapatid sa silid nitong tuwing darating ang gabi noong mga 1970’s.
Ang akusado ay napatunayan na rin nagkasala sa panggagahasa sa kanyang kapatid noong 1967. Dalawang taon lamang ang inilagi nito sa kulungan sapagkat 17 anyos pa lamang siya noong ginawan ng kahalayan ang kapatid na babae.
Noong 2022, napilitang lumabas ang kanyang kapatid na lalaki at isinuplong ang akusadosa publis. Ayon sa biktima, inabuso siya ng kanyang kuya ng maraming beses mula 1971 hanggang 1976.
