top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

50% sa LRT-2, MRT-3 fares ipatutupad sa Marso 23 - DOTr

3/19/26, 10:49 AM

Tatagpasin ng 50 porsiyento ang pamasahe ng mga senior citizens, persons with disabilities at mga estudyanteng sasakay sa MRT-3 at LRT-2 simula Marso 23.

Ito ay ipinagutos ng Department of Transportation nitong Huwebes (Marso 19), isang arawmatapos na mag-anunsyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pag-suspinde ng inaprubahan nang dagdag- pamasahe.

Sinabi ni Transportation Secretary Banoy Lopez na ang naging desisyon ng DOTr sa pagbigay ng malaking diskwento sa mga seniors, PWD at estudyante ay bilang tulong sa mga nasabing sektor na inaasahan pinaka-apektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dahil sa digmaan sa Middle East.

Ayon kay Lopez malaki ang matitipid ng mga benepisaryo kung kaya inanyayahan niya ang mga ito na patuloy na tangkilikin ang mga tren na pupasada sa Metro Manila at karatig.

Sa halip na gumamit ng kani-kanilang mga sasakyan, makabubuti sa mga miyembro ng nasabing sektor na sumakay na lamang sa mga LRT at MRT.

Mayroon na rin pag-uusap ang mga opisyal ng DOTr sa LRT-1 management para sa posibilidad ng pagbibigay din ng malaking diskwento para sa kanilang mga mananakay.

Ang 50% diskwento ay para sa blue beep card holders at white cards para sa mga seniors, PWD at estudyante.

Hindi naman sinabi ni Lopez kung hanggang kailang ipatutupad ang bawas pamasahe.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page