top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

39-anyos na lalaki nagpatiwakal matapos patayin sa saksak ang lola, 80

Photo from shutter

7/9/25, 6:23 AM

Ni Samantha Faith Flores

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Patay ang isang 80-anyos na lola matapos na pagsasaksakin ito ng sarili niyang apo noong Lunes (Hulyo 7) sa Malasiqui, Pangasinan, ayon sa report ng Philippine National Police nitong Miyerkules.

Natagpuan naman patay din sa sakahan ng palay ang suspek, kinilalang si

Teodoro, 39.

Nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Barangay Alacan nang walang kadahilanan ay bigla na lang inundayan ng saksak ni Teodoro ang kanyang lola na nakilalang si Soledad.

Naitakbo sa ospital ang biktima ngunit hindi na inabot ng buhay sa emergency room dahil sa dami ng mga tinamong saksak.

Ayon sa mga saksi nagtatakbo patungo sa bukid si Teodoro matapos ang insidente.

Nang sundan ng mga kaanak at kapitbahay ng pamilya ng biktima, nakita nilang duguan at patay na rin si Teodoro. Nilaslas umano nito ang kanyang leeg.

Hindi pa naman sinasarado ang kaso sa pagkamatay ni Teodoro sapagkat patuloy pa rin itong iimbestigahan ng pulis.

Ayon sa mga kaanak, nagpapakita umano ng problema sa pag-iisip si Teodoro bago nangyari ang malagim na insidente.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page