top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

23 lang sa 294 na pinakamatandang buhay na tao ang lalaki: Bakit kaya?

2/1/25, 5:31 AM

Ni Samantha Faith Flores

Tatlo lamang ang lalaki sa 100 pinakamatandang buhay na nilalang sa mundo, ayon sa ranking ng Oldest Living People na ipinalabas ng Gerontology Wiki.

Kung isasama ang kabuuang 294 na kumpirmadong buhay pang supercentenarians o mga taong higit sa 100 ang edad, lumalabas na 23 lamang o wala pang 10 porsiyento ang barako.

Sa ranking ng pinaka-antigong buhay na babae, ang Brazilian na si Inah Canabarro Lucas ang nangunguna. Isang madre, si Lola Inah ay 116 anyos at 237 araw na simula ng ipanganak noong Hunyo 8, 1908.

Ika-43 na sa listahan ang pinakamatandang lalaki na si Joao Marinho Nieto, isa ring taga-Brazil. i

Si Lolo Joao ay apat na taong mas bata kay Sister Inah sa edad niyang 112 anyos at 118 na araw.

Kapwa tumuntong sa pinakataas ng listahan ng kababaihan at kalalakihan sina Sister Inah at Lolo Joao.

Nakamit ng madreng mahilig sa manood ng football ang titulo bilang pinakamatandang babae at nilalang na buhay matapos pumanaw si Tomiko Itooka ng Japan noong Disyembre 29, 2024.

Noong Nov. 26, 2024, pinalitan ni Lolo Joao bilang pinakamatandang lalaki si John Tinniswood na namatay sa edad na 112 sa araw na iyon sa isang carehom sa Southport, England.

Pitong buwan lamang hinawakan ni Tinniswood ang titulo na kinuha niya matapos mamatay si Venezuelan Juan Vicente Perez noong Abril, 2024 sa edad na 114.

Kahit naisulat ang pangalanng 13 supercentenarians sa listahan ng oldest living person ng Gerontology Wiki, may marka naman ang kanilang mga pangalan sapagkat hindi pa kumpirmado ang kanilang estado

Sa 13 ito, tatlo lamang ang lalaki.

Kakaunti at hindi pa pihado ang mga resulta ng pag-aaral kung bakit malayo ang agwat ng buhay ng mga kababaihan kumpara sa mga lalaki.

Hindi puwedeng basehan ang dami ng populasyon ng lalaki at babae dahil lumalabas na ang ratio ay 102 kalalakihan sa 100 kababaihan noong 2020.

Maraming mga sanhi ng pagtanda na dapat alamin ng mga kalalakihan. Samantala, makabubuting magtanong na lang sa mga misis at baka mayroon naman silang tinatagong sekreto ng kalusugan at pagtanda.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page