top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

203,000 senior citizens nakatanggap ng tulong pinansyal kay Manila Mayor Lacuna

9/21/24, 8:38 AM

Aabot sa 203,000 senior citizens ang nakatanggap na ng kanilang payout para sa buwanang tulong pinansiyal ng pamahalaang lungsod ng Manila.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna matatapos na nitong Sabado (Setyembre 21) ang pamimigay ng city government ng buwanang allowance para sa bawat nakatatandang Manileño.

Ang allowance ay ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod upang matulungan ang mga senior citizens ng siyudad sa pagbili ng araw-araw nilang pangangailangan, higit sa lahat ang kanilang mga maintenance medicines.

Nakatatanggap ng tig-PHP2,000 cash aid mula sa city government ang mga Manila seniors.

Sinabi ni Elinor Jacinto, hepe ng Office of Senior Citizens” Affairs (OSCA) ang ipinamudmod ay ang total na buwanang financial aid na P500 mula sa mga buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto.

Si Public Employment Servicer Office chief Fernan Bermejo ang nangasiwa ng pamimigay ng payout.

Ilan lamang sa mga pamahalaang lokal sa Pilipinas ang nakapag-bibigay ng ganitong biyaya sa mga senior citizens na constituents nila.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page