

BALITANG SENIOR
“Jueteng whistleblower” Sandra Cam pumanaw sa edad na 64

4/11/25, 8:32 AM
Ni Samantha Faith Flores
Pumanaw na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na nakilala bilang “jueteng” whistleblower noong 2005.
Ayon sa kanyang anak na si Marco Martin, si Cam ay namatay noong Huwebes (Abril 10) sa edad na 64.
Sa kanyang Facebook post, dinakila ni Marco Martin ang kanyang ina bilang isang “resilient single mother” na nagpalaki ng tatlong anak na lalaki na pawang sumusunod sa kanyang adhikain na magserbisyo sa mamamayang Filipino.
“Mama Ningning is (sic) a resilient singe mother who raised three sons into strong, capable men - each one carrying forward her legacy of serving the Filipino people with courage and compassion,” ayon kay Marco Martin.
Hinirang si Cam bilang PCSO board member noong pangulo ng bansa si dating Presidente Rodrigo Duterte upang tulungan siya sa anti-graft campaign ng kanyang administrasyon.
Noong 2019, iinakusahan siya at ang kanyang anak ng murder sa pagkamatay ni Charlie Yuson III, vice mayor ng kanilang bayan sa Batuan, Masbate.
Sumuko siya noong 2021 matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte. Habang nasa kustodiya ng pulis, nahospital si Cam noong 2022.
Noong sumunod na taon, pinawalang sala ang mag-in a dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya sa pagkamatay ni Yuson.
Nakilala ng publiko si Cam nang dumalo siya sa 2005 Senate inquiry tungkol sa illegal numbers game. Dito niya idiniin ang magtiyong sina yumaong Ignacio “Iggy” Arroyo at Juan Miguel “Mikey Arroyo, panganay na anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na umanoy nakinabang sa jueteng money.
Wala naman napatunayan sa pag-testigo ni Cam at ang imbestigasyon ay napagpasiyahan ng publiko bilang paninira lamang sa mga Arroyo.