top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

PhP200K anti-cancer medicines binebenta ng Php7,500 peke?: 4 dinampot ng pulisya

4/11/26, 12:15 PM

Ni Ralph Cedric Edralin

Tatlong babae at isang lalaki ang nasakote ng ng pulisya dahil sa pagbebenta umano ng PhP102-milyon hjalaga ng pekeng “anti-cancer" medicines sa isang hotel sa Makati City nitong Biyernes (Abril 10).



Sa isang police operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CD) nakuha sa mga suspect ang may 400 vials ng hinihinalang pekeng medisina laban sa cancer.



Dinampot sa raid ang mga suspect na kinilala lamang sa kanilang mga pangalan na “Lucia", “Maria," "Dina," at “Usman".



Nahuli sila ng mga operatiba ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) sa pakikipagtulungan ng mga pulisa sa Southern Police District.



Hindi umano nakapagpakita ng certificate o awtorisasyon ang mga suspect mula sa Food and Drug Adminstration na makapagpapatunay na pinapayagan silang magtinda ng mga nasabing medisina.



Nag-ugat ang pag-raid sa reklamo ng mga kinatawan ng isang kumpanya ng gamot sa Singapore na nagsabing pinepeke sa Pilipinas ang anti-cancer medicine na Keytruda (Pembrolizumab) 100 mg/4ml at itinitinda sa black market sa halagang Php7,500 bawat vial lamang.



Ang mga lehitimong droga na Keytruda ay nagkakahalaga ng PhP135,000 hanggang PhP200,000 bawat vial .



Ayon kay CIDG Maj. Gen. Robert A. Morico II, kakasuhan ng paglabag ng Republic Acxt No. 9711 o manufacture,importation, sale, distribution of health products without the required registration and authorization from the FDA.






Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page