

SCIENCE AND MEDICINE
Pagtanaw sa kinabukasan: Health Approach sa drug abuse

12/30/24, 8:04 AM
P.I.O. Reportorial Team
Kamakailan, nakaagaw ng atensyon ang epidemya ng opioid overdose sa bansa. Ang pagpansing ito ay nagbunsod sa ating mga health experts na isulong ang mga pagbabago sa perspektiba sa drug addiction at gayun din sa paglunas nito.
Ayon kay Pasay City health officer Dr. Tiong Eng Roland Tan, napapanahon nang siyasatin at pag-aralang muli kung paano natin bilang isang maka-Diyos, makatarungan at demokratikong lipunan ay nararapat na tugunan ang usapin ng drug misuse at substance use disorder—at sa puntong ito ay ireporma ang ating health care at criminal justice system upang makalikha ng mga bagong oportunidad upang mapataas ang accessibility sa mga prevention at treatment service kaugnayan ng drug addiction.
"Health care reform and parity laws are providing significant opportunities and incentives to address substance misuse and related disorders more effectively in diverse health care settings. At the same time, government authorities are making changes to drug policies, ranging from mandating the use of prescription drug monitoring programs (PDMPs) to eliminating mandatory minimum drug sentences," hinayag ni Dr. Tan.
Ang mga pagbabagong ito, Kang binalangkas, ay kumakatawan sa mga bagong oportunidad na makalikha ng mga polisiya at hakbang na mas higit na evidence-informed upang tugunan ang mga problemang pangkalusugan at panlipunan ukol sa drug abuse.
"The moral obligation to address substance misuse and substance use disorders effectively for all Filipinos also aligns with a strong economic imperative. These disorders are estimated to cost society billions of pesos in health care costs, lost productivity, and criminal justice costs," idinagdag ni Dr. Tan.
Lihis sa agressibong anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, binuo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Romualdez Marcos Jr. ang holistic approach upang harap in ang banta ng drug addiction at narcotics trade.
Sa kanyang pagkakahalal bilang punong ehekutibo ng Republika, agad ng hinarap ng administrasyon ni PBBM ang nakakabahalang problema sa iligal na droga para atasan ang lahat ng ating mga law enforcement agency na paigtingin ang kanilang kampanya at mga operasyon habang kasabay na pinaiiral ang isang makataong pagtugon sa suliranin dahil mas maituturing ang drug addiction bilang isang public health concern kaysa isang krimen at banta sa ating lipunan.
Sa kasalukuyan, tinutugunan ng Pasay City Health Office ang epekto ng substance abuse at substance use disorder sa mamamayan sa buong lungsod.
"The problems caused by substance misuse are not limited to disorders but include many other possible health and safety problems that can result from substance misuse even in the absence of a disorder," pinunto ni Dr. Tan.
"Substance use has complex biological and social determinants, and substance use disorders are medical conditions involving disruption of key brain circuits," sabi pa ng duktor at hepe ng lokal na tannggapan ng kalusugan.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang buong health team ng lungsod ng Pasay ay pinagtutuunan ng pansin ang mga programa sa drug-abuse prevention programs at gayun din ang mga polisiyang nakabatay sa napatunayang mga prinsipyo na nakabawas sa matinding problema ng drug addiction.
"Evidence-based behavioral and medication-assisted treatments (MAT) applied using a chronic-illness-management approach have been shown to facilitate recovery from substance use disorders, prevent relapse, and improve other outcomes, such as reducing criminal behavior and the spread of infectious diseases," konklusyon ni Dr. Tan.